Mateo 12:15-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Nang malaman ni Jesus ang plano ng mga Pariseo, umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.

16. Pero pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya.

17. Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias:

18. “Narito ang pinili kong lingkod.Minamahal ko siya at kinalulugdan.Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu,at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa.

19. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw,at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan.

20. Hindi niya ipapahamak ang mahihina ang pananampalatayao pababayaan ang mga nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi niya napapairal ang katarungan.

21. At ang mga tao sa lahat ng bansa ay mananalig sa kanya.”

22. May dinala ang mga tao kay Jesus na isang lalaking bulag at pipi na sinasaniban ng masamang espiritu. Pinagaling siya ni Jesus, agad siyang nakakita at nakapagsalita.

23. Namangha ang lahat at sinabi, “Ito na nga kaya ang Anak ni David?”

24. Pero nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Si Satanas na pinuno ng masasamang espiritu ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!”

Mateo 12