14. Lumabas naman ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila ipapapatay si Jesus.
15. Nang malaman ni Jesus ang plano ng mga Pariseo, umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.
16. Pero pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya.
17. Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias:
18. “Narito ang pinili kong lingkod.Minamahal ko siya at kinalulugdan.Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu,at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa.
19. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw,at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan.