Marcos 6:51-56 Ang Salita ng Dios (ASND)

51. Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Namangha sila nang husto,

52. dahil hindi pa rin sila nakakaunawa kahit nakita na nila ang himalang ginawa ni Jesus sa tinapay. Ayaw nilang maniwala dahil matigas ang puso nila.

53. Nang makatawid na sila sa lawa, dumating sila sa Genesaret at doon nila idinaong ang bangka.

54. Pagbaba nila, nakilala agad si Jesus ng mga tao roon.

55. Kaya nagmamadaling pumunta ang mga tao sa mga karatig lugar, inilagay sa mga higaan ang mga may sakit at dinala kay Jesus saan man nila mabalitaang naroon siya.

56. Kahit saan siya pumunta, sa nayon, sa bayan, o sa kabukiran, dinadala ng mga tao ang mga may sakit sa kanila sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga tao. Nagmamakaawa sila kay Jesus na kung maaari ay pahipuin niya ang mga may sakit kahit man lang sa laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng nakahipo ay gumaling.

Marcos 6