1. Muling nagturo si Jesus sa tabi ng lawa ng Galilea. At dahil sa dami ng taong nakapalibot sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon umupo, habang ang mga tao namaʼy nasa dalampasigan.
2. Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya,
3. “Makinig kayo! May isang magsasakang naghasik ng binhi.
4. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga binhing iyon.