35. Nang minsang nangangaral si Jesus sa templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Cristo raw ay lahi lang ni David?
36. Samantalang si David na mismo na pinatnubayan ng Banal na Espiritu ang nagsabing,‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,Maupo ka sa kanan kohanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway!’
37. Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Wiling-wili sa pakikinig ang mga tao kay Jesus.
38. Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.
39. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
40. Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”
41. Umupo si Jesus malapit sa pinaglalagyan ng mga kaloob doon sa templo at pinagmamasdan ang mga taong naghuhulog ng pera. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga.