Marcos 11:4-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Kaya lumakad ang dalawa, at nakita nga nila ang asno sa tabi ng daan, na nakatali sa pintuan ng isang bahay. Nang kinakalagan na nila ang asno,

5. tinanong sila ng mga taong nakatayo roon, “Hoy! Ano ang ginagawa ninyo riyan? Bakit ninyo kinakalagan ang asno?”

6. Sinabi nila ang ipinapasabi ni Jesus, kaya pinabayaan na sila ng mga tao.

7. Dinala nila ang asno kay Jesus. Sinapinan nila ng kanilang mga balabal ang likod ng asno at sinakyan ito ni Jesus.

Marcos 11