7. ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa.
8. At silang dalawa ay magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa na lang.
9. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Dios.”
10. Pagbalik nila sa bahay, tinanong siya ng mga tagasunod niya tungkol dito.
11. Sinabi niya sa kanila, “Kung hiwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, nangangalunya siya at nagkasala sa una niyang asawa.
12. At kung hiwalayan ng isang babae ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkasala rin ng pangangalunya.”