5. May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito;may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay.
6. May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap;may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon.
7. May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi;may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita.
8. May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit;may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.
9. Kung ang mga oras na ito ay itinakda na ng Dios, ano ngayon ang kabuluhan ng pagsisikap ng tao?
10. Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao.