4. Gumawa ako ng mga dakilang bagay: Nagpagawa ako ng mga bahay at nagtanim ng mga ubas.
5. Nagpagawa ako ng mga taniman at pinataniman ko ito ng sari-saring puno na namumunga.
6. Nagpagawa ako ng mga imbakan ng tubig para patubigan ang mga pananim.
7. Bumili ako ng mga lalaki at babaeng alipin, at may mga alipin din ako na ipinanganak sa aking bahay. At ako ang may pinakamaraming kawan ng hayop sa lahat ng naging mamamayan ng Jerusalem.
8. Nakaipon ako ng napakaraming ginto, pilak at iba pang mga kayamanang galing sa mga hari at mga lugar na aking nasasakupan. Marami akong mang-aawit, lalaki man o babae at marami rin akong mga asawa – ang kaligayahan ng isang lalaki.