Mangangaral 2:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinubukan kong magpakasaya sa mga layaw ng buhay. Pero nakita kong wala rin itong kabuluhan.

2. Kamangmangan ang sobrang pagtawa at ang pagpapakasaya ay wala ring kabuluhan.

3. Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.

4. Gumawa ako ng mga dakilang bagay: Nagpagawa ako ng mga bahay at nagtanim ng mga ubas.

5. Nagpagawa ako ng mga taniman at pinataniman ko ito ng sari-saring puno na namumunga.

6. Nagpagawa ako ng mga imbakan ng tubig para patubigan ang mga pananim.

7. Bumili ako ng mga lalaki at babaeng alipin, at may mga alipin din ako na ipinanganak sa aking bahay. At ako ang may pinakamaraming kawan ng hayop sa lahat ng naging mamamayan ng Jerusalem.

Mangangaral 2