1. Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka.
2. Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo, dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo.
3. Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.
4. Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.