Mangangaral 1:13-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Sa aking karunungan, pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng nangyayari rito sa mundo. At nakita kong napakahirap ng gawaing ibinigay ng Dios sa mga tao.

14. Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.

15. Ang baluktot ay hindi mo maitutuwid at ang wala ay hindi mo maibibilang.

16. Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.”

17. Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.

18. Dahil habang nadadagdagan ang kaalaman ko, nadadagdagan din ang aking kalungkutan.

Mangangaral 1