Lucas 7:9-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Hindi pa ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya.”

10. Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nakita nilang magaling na ang alipin.

11. Pagkatapos, pumunta si Jesus sa bayan ng Nain. Sumama sa kanya ang mga tagasunod niya at ang maraming tao.

12. Nang malapit na sila sa pintuan ng bayan ng Nain, nakasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak ng isang biyuda. Marami ang nakikipaglibing.

Lucas 7