25. Nakakaawa kayong mga busog ngayon,dahil magugutom kayo.Nakakaawa kayong mga tumatawa ngayon,dahil magdadalamhati kayo at iiyak.
26. Nakakaawa kayo kung pinupuri kayo ng lahat ng tao,dahil ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.”
27. “Ngunit sinasabi ko sa inyo na mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Maging mabuti kayo sa mga galit sa inyo.
28. Pagpalain ninyo ang mga umaalipusta sa inyo. At idalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.
29. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may gustong kumuha ng balabal mo, ibigay mo. At kung pati ang damit mo ay kinukuha niya, ibigay mo na rin.
30. Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong ari-arian ay huwag mo na itong bawiin pa.
31. Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.
32. “Kung ang mamahalin lang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Dios? Ginagawa rin iyan ng masasamang tao.
33. At kung ang gagawan lang ninyo ng mabuti ay ang mga taong mabuti sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Dios? Ginagawa rin iyan ng masasamang tao.