Lucas 5:37-39 Ang Salita ng Dios (ASND)

37. Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa.

38. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.

39. Wala ring taong nakainom na ng lumang alak ang maghahangad ng bagong alak, dahil para sa kanya, mas masarap ang luma.”

Lucas 5