Lucas 4:11-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang mga paa mo sa bato.’ ”

12. Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Dios.’ ”

13. Matapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, iniwan siya nito at naghintay ng ibang pagkakataon.

14. Bumalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya.

15. Nagturo siya sa mga sambahan ng mga Judio, at pinuri siya ng lahat.

16. Umuwi si Jesus sa Nazaret, sa bayang kinalakihan niya. At katulad ng nakaugalian niya, pumunta siya sa sambahan ng mga Judio sa Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng Kasulatan.

17. Ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito at pagkakita sa bahagi ng Kasulatan na kanyang hinahanap, binasa niya ito na nagsasabing:

18. “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,dahil pinili niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita.Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila,at sa mga bulag na makakakita na sila.Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

19. at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.”

Lucas 4