4. Sa ginawa niyang ito, natupad ang isinulat ni Propeta Isaias,“Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang, na nagsasabi:‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon,tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang dadaanan!
5. Tambakan ninyo ang mga mababang lugar,at patagin ang mga bundok at burol.Tuwirin ninyo ang liku-likong daan,at ayusin ang mga baku-bakong daan.
6. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Dios.’ ”
7. Maraming tao ang pumunta kay Juan para magpabautismo. Sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ahas! Sino ang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Dios?
8. Kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga gawa. Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Sapagkat tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham.
9. Ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol sa pagputol sa mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10. Tinanong ng mga tao si Juan, “Ano ang dapat naming gawin?”
11. Sumagot siya, “Kung mayroon kayong dalawang damit, ibigay ninyo ang isa sa taong walang damit. At kung may pagkain kayo, bigyan ninyo ang walang makain.”
12. May mga dumating din na maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sinabi nila, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?”
13. Sumagot sa Juan, “Huwag kayong sumingil ng higit sa dapat singilin!”
14. May mga sundalo ring nagtanong sa kanya, “Kami naman po, ano ang dapat naming gawin?” At sinagot niya sila, “Huwag kayong mangingikil sa mga tao, at huwag kayong magpaparatang ng hindi totoo. Makontento kayo sa mga sahod ninyo!”
15. Nang marinig ng mga tao ang pangangaral ni Juan, inisip nila na baka si Juan na ang Cristo na hinihintay nila.
16. Pero sinabi ni Juan sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit may isang darating na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat na maging alipin niya. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.