42. Binigyan nila si Jesus ng isang hiwa ng inihaw na isda.
43. Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila.
44. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo.”
45. At binuksan ni Jesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan.
46. Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Cristo ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.
47. At dapat ipangaral sa buong mundo, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan niyaʼy patatawarin ng Dios ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
48. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.
49. Isusugo ko sa inyo ang Banal na Espiritung ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”
50. Pagkatapos, isinama sila ni Jesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila.
51. At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.
52. Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na punong-puno ng kagalakan.
53. At palagi silang nasa templo na nagpupuri sa Dios.