38. Hindi siya Dios ng mga patay kundi ng mga buhay, para sa kanya ang lahat ay buhay.”
39. Sinabi ng ilang tagapagturo ng Kautusan, “Guro, mahusay ang sagot ninyo.”
40. At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.
41. Ngayon, si Jesus naman ang nagtanong sa kanila, “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Cristo raw ay lahi lang ni David?
42. Samantalang si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Salmo,‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,Maupo ka sa aking kanan
43. hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway.’
44. Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano masasabing lahi lang siya ni David?”
45. Habang nakikinig kay Jesus ang mga tao, sinabi niya sa mga tagasunod niya,
46. “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa matataong lugar. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
47. Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”