4. kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Dios o sa tao?”
5. Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Dios, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’
6. Pero kung sasabihin nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Dios.”
7. Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.”
8. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”
9. Pagkatapos noon, ikinuwento ni Jesus sa mga tao ang talinghagang ito: “May isang tao na nagtanim ng mga ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan niya sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal.
30-31. Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Pero namatay din siya na wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat na walang anak sa babae.
32. At kinalaunan, namatay din ang babae.
33. Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil napangasawa niya silang lahat?”
34. Sumagot si Jesus, “Ang mga tao sa panahong ito ay nag-aasawa.
35. Ngunit ang mga taong mamarapatin ng Dios na mabuhay muli sa panahong darating ay hindi na mag-aasawa.
36. Hindi na rin sila mamamatay dahil matutulad na sila sa mga anghel. Silaʼy mga anak ng Dios dahil muli silang binuhay.
37. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling bubuhayin ang mga patay. Sapagkat nang naroon siya sa nagliliyab na mababang punongkahoy, tinawag niya ang Panginoon na ‘Dios nina Abraham, Isaac at Jacob.’
38. Hindi siya Dios ng mga patay kundi ng mga buhay, para sa kanya ang lahat ay buhay.”
39. Sinabi ng ilang tagapagturo ng Kautusan, “Guro, mahusay ang sagot ninyo.”
40. At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.
41. Ngayon, si Jesus naman ang nagtanong sa kanila, “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Cristo raw ay lahi lang ni David?
42. Samantalang si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Salmo,‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,Maupo ka sa aking kanan
43. hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway.’
44. Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano masasabing lahi lang siya ni David?”
45. Habang nakikinig kay Jesus ang mga tao, sinabi niya sa mga tagasunod niya,