Lucas 2:2-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. (Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Quirinius ang gobernador sa lalawigan ng Syria.)

3. Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.

4. Mula sa Nazaret na sakop ng Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem na sakop ng Judea, sa bayang sinilangan ni Haring David, dahil nagmula siya sa angkan ni David.

5. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na noon ay malapit nang manganak.

6. At habang naroon sila sa Betlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria.

7. Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.

8. Malapit sa Betlehem, may mga pastol na nasa parang, at nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa.

9. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at nagningning sa paligid nila ang nakakasilaw na liwanag ng Panginoon. Ganoon na lang ang pagkatakot nila,

Lucas 2