Lucas 17:31-36 Ang Salita ng Dios (ASND)

31. Sa araw na iyon, ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng mga ari-arian niya. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi.

32. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot.

33. Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

34. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, kapag may dalawang natutulog na magkatabi; maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa.

35. Sa dalawang babaeng magkasamang naggigiling, kukunin ang isa at iiwan ang isa.

36. [At kapag may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa.]”

Lucas 17