Lucas 1:49-61 Ang Salita ng Dios (ASND)

49. dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Dios.Banal siya!

50. Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon.

51. Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Itinaboy niya ang mga taong mataas ang tingin sa sarili.

52. Ibinagsak niya ang mga makapangyarihang hari mula sa kanilang mga trono,at itinaas niya ang mga nasa mababang kalagayan.

53. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman.

54-55. Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod. Sapagkat hindi niya kinalimutan ang kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, na kaaawaan niya sila magpakailanman.”

56. At nakitira si Maria kina Elizabet ng mga tatlong buwan bago siya umuwi.

57. Dumating na ang oras ng panganganak ni Elizabet, at nagsilang siya ng isang lalaki.

58. Nabalitaan ng mga kapitbahay at mga kamag-anak niya kung paano siya pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.

59. Nang walong araw na ang sanggol, dumalo ang mga kapitbahay at mga kamag-anak sa pagtutuli sa kanya. Zacarias sana ang ipapangalan nila sa bata dahil iyon din ang pangalan ng kanyang ama.

60. Pero sinabi ni Elizabet, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.”

61. Sumagot ang mga tao, “Pero wala namang may ganyang pangalan sa pamilya ninyo.”

Lucas 1