Lucas 1:33-51 Ang Salita ng Dios (ASND)

33. Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang paghahari niya ay walang katapusan.”

34. Nagtanong si Maria sa anghel, “Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?”

35. Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Dios. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Dios.

36. Maging ang kamag-anak mong si Elizabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon.

37. Sapagkat walang imposible sa Dios.”

38. Sumagot si Maria, “Alipin po ako ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo.” At iniwan siya ng anghel.

39. Hindi nagtagal, nag-ayos si Maria at dali-daling pumunta sa isang bayan sa kabundukan ng Judea kung saan nakatira sina Zacarias.

40. Pagdating niya sa bahay nina Zacarias, binati niya si Elizabet.

41. Nang marinig ni Elizabet ang pagbati ni Maria, naramdaman niyang gumalaw nang malakas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Napuspos ng Banal na Espiritu si Elizabet

42. at malakas niyang sinabi, “Higit kang pinagpala ng Dios sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo!

43. Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon.

44. Nang marinig ko ang pagbati mo sa akin, gumalaw nang malakas sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko.

45. Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon.”

46. At sinabi ni Maria,“Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,

47. at nagagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas!

48. Sapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod.Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon,

49. dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Dios.Banal siya!

50. Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon.

51. Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Itinaboy niya ang mga taong mataas ang tingin sa sarili.

Lucas 1