Leviticus 7:31-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

31. Pagkatapos, susunugin ng paring namumuno ng seremonya ang taba sa altar, pero ang pitso ay para kay Aaron at sa kanyang angkan.

32-33. Ang kanang hita ng hayop na inihandog ay ibibigay sa paring naghahandog ng dugo at taba nito.

34. Sapagkat ibinibigay ng Panginoon ang pitso at paa ng inyong handog kay Aaron at sa kanyang mga angkan. Ito ang bahaging para sa kanila magpakailanman.

Leviticus 7