2. Kung may nakahipo ng anumang bagay na itinuturing na marumi, katulad ng mga patay na hayop na marumi, siyaʼy nagkasala at naging marumi kahit hindi niya alam na nakahipo siya.
3. Kung siyaʼy nakahipo ng mga maruming bagay ng tao, kahit hindi niya alam na siyaʼy naging marumi, ituturing pa ring nagkasala siya kapag nalaman niya.
4. Kung ang isang tao ay nanumpa nang pabigla-bigla, mabuti man o masama ang isinumpa niya, siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya ang kanyang ginawa.