22. Padadalhan ko kayo ng mababangis na hayop at papatayin nila ang inyong mga anak at mga alagang hayop. At dahil dito, kakaunti na lang ang matitira sa inyo at iilan-ilan na lang ang makikitang lumalakad sa daan ninyo.
23. Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin,
24. ako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses.
25. Ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban.
26. Kukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.
27. At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin,
28. magagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.
29. Gugutumin ko kayo, at mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak.
30. Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar, pati na ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga patay nʼyong dios-diosan. At itatakwil ko kayo.
31. Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi ko na nanaisin ang mabangong samyo ng inyong mga handog.
32. Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito.