Leviticus 22:28-33 Ang Salita ng Dios (ASND)

28. Huwag ninyong ihahandog nang sabay sa isang araw ang baka o tupa at ang kanyang anak.

29. Kung kayoʼy maghahandog sa akin ng handog ng pasasalamat, sundin ninyo ang tamang paraan sa paghahandog nito para tanggapin ko ito.

30. At dapat ninyo itong kainin sa araw ding iyon ng paghahandog at huwag kayong magtitira hanggang sa kinabukasan. Ako ang Panginoon.

31. Sundin ninyo ang aking mga utos. Ako ang Panginoon.

32. Huwag ninyong lapastanganin ang banal kong pangalan, at akoʼy kilalanin ninyong banal. Ako ang Panginoong nagtalaga sa inyo para sa akin.

33. Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto para maging Dios ninyo. Ako ang Panginoon.

Leviticus 22