1. Inutusan ng Panginoon si Moises
2. na sabihin ito sa mga taga-Israel:Ako ang Panginoon na inyong Dios.
3. Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Egipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo.
6. Huwag kayong sumiping sa malapit ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.
9. Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyo o hindi.
10. Huwag kang sumiping sa iyong apong babae dahil magbibigay ito sa iyo ng kahihiyan.
11. Huwag kang sumiping sa anak na babae ng iyong ama sa iba niyang asawa, dahil kapatid mo rin siya.
12-13. Huwag kang sumiping sa iyong tiyahin na kapatid ng iyong ama o ina.
14. Huwag mong ilalagay sa kahihiyan ang iyong tiyuhin sa pamamagitan ng pagsiping sa kanyang asawa, dahil tiyahin mo rin siya.
15. Huwag kang sumiping sa iyong manugang na babae dahil asawa siya ng iyong anak.
16. Huwag kang sumiping sa iyong hipag na babae dahil itoʼy magbibigay ng kahihiyan sa iyong kapatid.
17. Huwag kang sumiping sa anak o apo ng babaeng sinipingan mo noon, dahil baka anak o apo mo iyon at itoʼy nakakahiya.
18. Huwag kang mag-asawa ng kapatid na babae ng iyong asawa habang buhay pa ang iyong asawa.
19. Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.