1. Inutusan ng Panginoon si Moises
2. na sabihin ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa lahat ng mga taga-Israel:
3. Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng baka, tupa, o kambing sa ibang lugar
4-5. maliban sa Toldang Tipanan ay katulad ng taong nakapatay ng kapwa, kaya huwag ninyo siyang ituturing na kababayan ninyo. Ang tuntuning itoʼy ginawa para ang paghahandog ay gagawin ninyo malapit sa may pintuan ng Tolda at hindi sa ibang lugar. Ang inyong mga handog para sa mabuting relasyon ay ibibigay ninyo sa pari na siyang maghahandog nito sa Panginoon.
6. Iwiwisik ng pari ang dugo ng handog na hayop sa altar na pinaghahandugan para sa Panginoon malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, susunugin niya ang taba ng mga hayop. At ang mabangong samyo nitoʼy makalulugod sa Panginoon.
7. Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing, dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon magpakailanman.
8. Kayong mga taga-Israel at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito:Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng anumang uri ng handog sa ibang lugar
9. at hindi sa may pintuan ng Tolda ay huwag na ninyong ituring na kababayan.