Leviticus 15:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Inutusan ng Panginoon sina Moises at Aaron

2. na sabihin ito sa mga taga-Israel:Kung may lumalabas sa ari ng lalaki dahil sa kanyang sakit, ang lumalabas na iyon ay itinuturing na marumi.

3. At kahit na magpatuloy ang pagtulo o hindi, ituturing pa rin siyang marumi.

4. At ituturing na marumi ang anumang mahigaan o maupuan niya.

8. Ang sinumang maduraan ng taong ito ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

11. Ang sinumang makahipo sa taong iyon habang hindi pa siya nakakapaghugas ng kanyang kamay ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

12. Ang palayok na mahihipo ng taong iyon ay dapat basagin, at ang mga bagay na gawa sa kahoy ay dapat hugasan.

Leviticus 15