29-31. “Ituring ninyong marumi ang mga hayop na gumagapang katulad ng daga, bubwit, butiki, tuko, bayawak, buwaya, bubuli at hunyango. Ang sinumang makahipo ng mga bangkay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw.
32. Ang alin mang bagay na mahulugan ng patay na katawan nito ay magiging marumi, maging itoʼy yari sa kahoy, tela, balat, o sako at ginagamit kahit saan. Itoʼy dapat hugasan ng tubig, pero ituturing pa rin na marumi hanggang sa paglubog ng araw.
33. Kapag ang palayok o banga ay nahulugan ng patay na hayop na ito, ang lahat ng laman sa loob nito ay marumi na, at itoʼy dapat nang basagin.
34. Ang lahat ng pagkain na nilagyan ng tubig na mula sa bangang iyon ay marumi na. At marumi na rin ang anumang inumin na nasa bangang iyon.
35. Ang alin mang mahulugan ng patay na katawan ng mga iyon ay magiging marumi. Kapag ang nahulugan ay pugon o palayok, ituring ninyong marumi iyon at dapat basagin.
36. Ang batis o balon na mahulugan ng kanilang patay na katawan ay mananatiling malinis, pero ang sinumang makahipo ng patay na katawan na iyon ay magiging marumi.
37. Ang alin mang binhi na mahulugan nito ay mananatiling malinis,
38. pero kung ang binhi ay nakababad na sa tubig, ang binhing iyon ay magiging marumi na.
39. “Kung mamatay ang alin mang hayop na maaaring kainin, ang sinumang humipo nito ay ituturing na marumi, hanggang sa paglubog ng araw.