14. Kapag ibon ang iaalay ng isang tao bilang handog na sinusunog para sa Panginoon, kinakailangang kalapati o batu-bato.
15. Itoʼy dadalhin ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar.
16. Pagkatapos, aalisin niya ang butsi at bituka nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar sa pinaglalagyan ng abo.