Kawikaan 9:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang karunungan ay katulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na may pitong haligi.

2. Pagkatapos, nagkaroon siya ng malaking handaan. Naghanda siya ng mga pagkain at mga inumin.

3. At saka inutusan niya ang mga katulong niyang babae na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan para ipaalam ang ganito:

4. “Kayong mga kulang sa karunungan at pang-unawa, inaanyayahan kayo sa isang malaking handaan.

5. Halikayo, kumain kayo at uminom ng aking inihanda.

6. Iwanan na ninyo ang kamangmangan upang mabuhay kayo nang matagal at may pang-unawa.”

7. Kung sasawayin mo ang taong nangungutya, iinsultuhin ka niya. Kung sasawayin mo ang taong masama, sasaktan ka niya.

8. Kaya huwag mong sasawayin ang taong nangungutya, sapagkat magagalit siya sa iyo. Sawayin mo ang taong marunong at mamahalin ka niya.

Kawikaan 9