Kawikaan 8:8-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya.

9. Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa.

10. Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto.

11. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.

12. Ako ang karunungan at alam ko kung paano unawain ang tama at mali, at alam ko rin kung paano magpasya nang tama.

13. Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.

14. Magaling akong magpayo at may sapat na kaalaman. May pang-unawa at kapangyarihan.

15. Sa pamamagitan ko nakakapamuno ang mga hari at ang mga pinunoʼy nakagagawa ng mga tamang batas.

16. Sa pamamagitan ko makakapamuno ang mga tagapamahala at mga opisyal – ang lahat na namumuno ng matuwid.

17. Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin;makikita ako ng mga naghahanap sa akin.

18. Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal.

19. Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak.

20. Sinusunod ko ang tama at matuwid.

21. Bibigyan ko ng kayamanan ang nagmamahal sa akin;pupunuin ko ang lalagyan nila ng kayamanan.

22. Noong una pa, nilikha na ako ng Panginoon bago niya likhain ang lahat.

27. Naroon na ako nang likhain niya ang langit,maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa.

30. Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng Panginoon.Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya.

Kawikaan 8