Kawikaan 8:6-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Makinig kayo sa sasabihin ko, sapagkat ito ay tama at kapaki-pakinabang.

7. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam.

8. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya.

9. Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa.

10. Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto.

11. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.

12. Ako ang karunungan at alam ko kung paano unawain ang tama at mali, at alam ko rin kung paano magpasya nang tama.

13. Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.

14. Magaling akong magpayo at may sapat na kaalaman. May pang-unawa at kapangyarihan.

15. Sa pamamagitan ko nakakapamuno ang mga hari at ang mga pinunoʼy nakagagawa ng mga tamang batas.

16. Sa pamamagitan ko makakapamuno ang mga tagapamahala at mga opisyal – ang lahat na namumuno ng matuwid.

17. Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin;makikita ako ng mga naghahanap sa akin.

18. Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal.

Kawikaan 8