Kawikaan 8:27-36 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Naroon na ako nang likhain niya ang langit,maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa.

28-29. Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap,nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman,nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw,at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo.

30. Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng Panginoon.Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya.

31. Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.

32. Kaya ngayon mga anak pakinggan ninyo ako. Mapalad ang mga sumusunod sa pamamaraan ko.

33. Pakinggan ninyo ang mga pagtutuwid ko sa inyong pag-uugali upang maging marunong kayo,at huwag ninyo itong kalilimutan.

34. Mapalad ang taong laging sa akin nakatuon ang isip at naghihintay para makinig sa akin.

35. Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng maganda at mahabang buhay,at pagpapalain siya ng Panginoon.

36. Ngunit ang taong hindi makakasumpong sa akin ay ipinapahamak ang kanyang sarili.Ang mga galit sa akin ay naghahanap ng kamatayan.”

Kawikaan 8