Kawikaan 8:18-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

18. Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal.

19. Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak.

20. Sinusunod ko ang tama at matuwid.

21. Bibigyan ko ng kayamanan ang nagmamahal sa akin;pupunuin ko ang lalagyan nila ng kayamanan.

22. Noong una pa, nilikha na ako ng Panginoon bago niya likhain ang lahat.

Kawikaan 8