1. Ang karunungan at pang-unawa ay katulad ng taong nangangaral.
2. Tumatayo siya sa matataas na lugar sa tabi ng daan, sa mga kanto,
3. sa mga pintuan ng lungsod at mga daanan. Nangangaral siya nang malakas,
4. “Kayong mga tao sa buong mundo, pakinggan ninyo ang aking panawagan.
5. Kayong mga walang alam, magkaroon kayo ng karunungan.Kayong mga mangmang magkaroon kayo ng pang-unawa.
6. Makinig kayo sa sasabihin ko, sapagkat ito ay tama at kapaki-pakinabang.
7. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam.
8. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya.
23-26. Nilikha na niya ako noong una pa man.Naroon na ako nang wala pa ang mundo, ang mga dagat, mga bukal, mga bundok, mga burol, mga bukid at kahit pa ang mga alikabok.
28-29. Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap,nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman,nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw,at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo.