Kawikaan 8:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang karunungan at pang-unawa ay katulad ng taong nangangaral.

2. Tumatayo siya sa matataas na lugar sa tabi ng daan, sa mga kanto,

3. sa mga pintuan ng lungsod at mga daanan. Nangangaral siya nang malakas,

4. “Kayong mga tao sa buong mundo, pakinggan ninyo ang aking panawagan.

5. Kayong mga walang alam, magkaroon kayo ng karunungan.Kayong mga mangmang magkaroon kayo ng pang-unawa.

6. Makinig kayo sa sasabihin ko, sapagkat ito ay tama at kapaki-pakinabang.

7. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam.

8. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya.

9. Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa.

10. Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto.

11. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.

12. Ako ang karunungan at alam ko kung paano unawain ang tama at mali, at alam ko rin kung paano magpasya nang tama.

13. Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.

14. Magaling akong magpayo at may sapat na kaalaman. May pang-unawa at kapangyarihan.

Kawikaan 8