5. Sapagkat ilalayo ka nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
6. Minsan dumungaw ako sa bintana ng aming bahay.
7. Nakakita ako ng mga kabataang lalaki na wala pang muwang sa buhay. Isa sa kanila ay talagang mangmang.
8. Lumalakad siya patungo sa kanto kung saan naroroon ang bahay ng isang masamang babae.
9. Takip-silim na noon at malapit nang dumilim.
10. Sinalubong siya ng isang babae na ang suot ay katulad ng suot ng isang babaeng bayaran. Nakapagplano na siya ng gagawin sa lalaking iyon.