Kawikaan 7:21-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Kaya naakit niya ang lalaki sa pamamagitan ng kanyang matatamis at nakakaakit na pananalita.

22. Sumunod agad ang lalaki na parang bakang hinihila papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na patungo sa bitag,

23. at dooʼy papanain siya na tatagos sa kanyang puso. Para din siyang isang ibon na nagmamadali papunta sa bitag ng kamatayan, ngunit hindi niya ito nalalaman.

24. Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang aking mga sinasabi.

25. Huwag kayong paaakit sa ganyang uri ng babae at huwag ninyong hayaan na kayoʼy kanyang iligaw.

26. Marami na ang mga lalaking napahamak dahil sa kanya.

27. Kapag pumunta kayo sa bahay niya, para na rin kayong pumunta sa daigdig ng mga patay.

Kawikaan 7