Kawikaan 7:11-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Maingay siya at hindi mahiyain. Hindi siya nananatili sa bahay.

12. Madalas siyang makita sa mga lansangan, mga kanto at mga plasa.

13. Paglapit ng lalaki ay agad niya itong hinalikan at hindi nahiyang sinabi,

14. “Tinupad ko na ang pangako kong maghandog, at may mga sobrang karne doon sa bahay na mula sa aking inihandog.

15. Kaya hinanap kita at mabuti naman nakita kita.

16. Sinapinan ko na ang aking higaan ng makulay na telang galing pa sa Egipto.

17. Nilagyan ko iyon ng pabangong mira, aloe, at sinamon.

Kawikaan 7