Kawikaan 7:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Anak, sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Itanim mo ito sa iyong isipan at

2. sundin ang mga iniuutos ko, upang humaba ang buhay mo. Ingatan mong mabuti ang mga itinuturo ko katulad ng pag-iingat mo sa mga mata mo.

3. Itanim mo sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan.

4. Ituring mo na parang kapatid na babae ang karunungan at ang pang-unawa na parang isang malapit na kaibigan.

Kawikaan 7