Kawikaan 6:5-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. hanggang sa maging malaya ka, tulad ng isang ibon o usa na nakawala sa isang mangangaso.

6. Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.

7. Kahit na walang namumuno at nag-uutos sa kanila,

8. nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-araw at panahon ng anihan, upang may makain sila pagdating ng tag-ulan.

9. Kayong mga tamad, matutulog nang matutulog na lang ba kayo? Kailan kayo gigising?

10. Kaunting tulog, kaunting pahinga at ang paminsan-minsang paghalukipkip ng mga kamay,

11. at hindi ninyo mamamalayan darating ang kahirapan na para kayong ninakawan ng tulisan.

12. Ang taong walang kwenta at masama ay puro kasinungalingan ang sinasabi.

13. Kumikindat at sumisenyas siya gamit ang kanyang mga kamay at paa para makumbinsi ang mga tao sa mga sinasabi niya.

14. Ang puso niya ay puno ng pandaraya, laging nagbabalak na gumawa ng masama at sa mga gulo siya ang nagpapasimula.

15. Kaya biglang darating sa kanya ang kapahamakan at hindi na siya matutulungan.

16. May mga bagay na kinamumuhian ang Panginoon:

17. ang pagmamataas,ang pagsisinungaling,ang pagpatay ng tao,

18. ang pagpaplano ng masama,ang pagmamadaling gumawa ng masama,

19. ang pagpapatotoo sa kasinungalingan,at pinag-aaway ang kanyang kapwa.

20. Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.

Kawikaan 6