Kawikaan 6:29-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

29. Kaya kapag sumiping ka sa asawa ng iba, magdurusa ka.

30. Minsan nauunawaan ng mga tao ang taong nagnakaw dahil sa gutom.

31. Ngunit pinagbabayad naman siya ng pitong beses ng kanyang ninakaw kapag nahuli, kahit maubos pa ang lahat ng pag-aari niya.

32. Ang taong sumisiping sa asawa ng iba ay hangal. Sinisira lang niya ang kanyang sarili.

33. Masasaktan siya at habang buhay na mapapahiya.

34. Sapagkat ang asawang seloso ay sobra kung magalit at maghihiganti siya ng walang awa.

35. Kahit magkano pa ang ibayad, hindi niya ito tatanggapin.

Kawikaan 6