23. Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo para ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.
24. Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
25. Huwag kang magnanasa sa kanyang kagandahan. Huwag kang patutukso sa kanyang pang-aakit.
26. Ang pakikipagsiping sa babaeng bayaran ay pwedeng bayaran sa halaga ng tinapay, ngunit ang pakikipagsiping sa asawa ng iba ay pagbabayaran mo ng iyong buhay.
27. Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo.
28. At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.
29. Kaya kapag sumiping ka sa asawa ng iba, magdurusa ka.
30. Minsan nauunawaan ng mga tao ang taong nagnakaw dahil sa gutom.