Kawikaan 5:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Ngunit pagkatapos ay pait at sakit ang iyong makakamit.

5. Kung susunod ka sa kanya, dadalhin ka niya sa kapahamakan, sapagkat ang nilalakaran niya ay patungo sa kamatayan.

6. Hindi niya pinapansin ang daan patungo sa buhay. Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko at hindi niya ito nalalaman.

7. Kaya mga anak, pakinggan ninyo ako at sundin.

8. Lumayo kayo sa babaeng masama ni huwag lumapit sa kanyang bahay.

Kawikaan 5