17. Dapat ang mag-asawa ay para lamang sa isaʼt isa at huwag makihati sa iba.
18. Maging maligaya ka sa iyong asawa, na napangasawa mo noong iyong kabataan.
19. Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Sana ay lagi kang lumigaya sa kanyang dibdib at maakit sa kanyang pag-ibig.
20. Anak, huwag kang paaakit sa malaswang babae o hipuin man ang kanyang dibdib.
21. Sapagkat nakikita ng Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon tinitingnan ka niya.
22. Ang masamang tao ay bihag ng kanyang kasamaan, para itong bitag na huhuli sa kanya.
23. Maliligaw siya dahil sa kanyang kamangmangan, at mamamatay dahil ayaw niyang itinutuwid.