Kawikaan 4:20-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo.

21. Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo.

22. Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito.

23. Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.

24. Huwag kang magsalita ng kasinungalingan at walang kabuluhan.

25. Ituon mo ang iyong paningin sa mga bagay na mabuti.

26. Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga gagawin upang magtagumpay ka.

27. Mamuhay ka sa katuwiran at layuan mo ang kasamaan.

Kawikaan 4